Tuesday, January 20, 2009

it's our payday today and i'm supposed to be happy and ecstatic, right?! but why am i feeling this way?.. maybe it goes to my being unsatisfied with the pay i get for this time but it's ok, because as i ponder on the blessings i received, i'm totally lucky! :)

the lists

anyway, i had some situations faced today that had made me think and reflect in my own life. so i came to these lists, the lists i realized just today.. actually, i already wrote something like this in my previous posts and i must say it's just a continuation..

what/who pisses me off! :

1 - as an employee in a "purely business" business, i started to notice that there are too many injustices in this real world. naiirita ako talaga dun sa mga kliyente namin na laging humihingi ng discount kahit na ang gagara ng mga kotse nilang dala, tatlo ang hawak na cellphone, may mga high tech na gamit, not to mention na ang kakapal ng laman ng wallet. ^o^ kung sino pa yung mayayaman sila pa itong nang-aabuso. talk about some connections! my gosh..

2 - dito pa rin sa office, nakakairita yung mga kliyente na porke mayayaman (kuno) sila o di kaya kilala nila yung boss ko eh uutus-utusan na ako na akala mo sila nagpapakain sa akin, at ang yayabang pa nilang magpa-rush ng mga ginagawa nila. don't they know the policy, "first come, first served"?! talk about demandingness! dugh..

3 - still here in our office situation.. nakakinis din yung mga tao na hindi marunong maghanda! bukas na pala ang birthday/wedding at 8-9am ang event tapos magpapagawa ng mga birthday/wedding stuffs ngayon araw lang at magku-close na kami!! grrr.. that's really one of my most hated part!. ok ok, i can't say na hindi rin ako ganun.. yes, nagka-cram din naman ako and i'm always late but still, i don't demand! eh kasi naman yung ibang tao sila na nga nakaka-abala, sila pa yung grabe magdemand! naku naman talaga..

4 - mga tugtuging '70s or worse, '50s! pinapatugtog ng 9 in the morning.. tama ba yon?! i wanted naman sana na simulan yung araw ko na cheerful, sunny, happy and alive pero naman! the music is sooo DUGH!! how much more annoying pag mga 1pm-3pm na sobrang tough hours sa may batang katawan at isip na tulad ko! :p itong mga oras kasi na ito nakakatuksong umuwi sa bahay, magkulong sa kuwarto, and succumb yourself to a heavenly sleep.. but, of course, as a real professional myself i won't do that! well, honestly sometimes i do.. :) hehe. but my point here is that the music greatly affects my mood pero pag mga elvis presley, michael bolton, or westlife (yes, westlife man!!) naman talaga ang background music.. naku, goodluck to me and to everybody! although i like them naman but then, office hours is not the proper time or place for their music db?.. any beyonce or britney songs there?! :p


5 - plagiarism, it's such a wide word but it all goes down to a certain thing: gaya gaya.. i hate it when someone's making gaya gaya to me. my choice of music, movies, icons, artworks, fashion (asus! fashion daw! as if.. :p) even mga ginagawa ko. oo, nakaka-flatter pero nakakainis nga rin pala talaga.. kasi ako, i'm quiet selfish between my territory. kunwari ako ang naunang nagkagusto dito, ayoko nang may manggagaya pa.. weird but it's true! ok, i admit i also did some plagiarism in my life like in my research studies, sa sarili kong website, even sa mga journals ko lang or pati dito sa blogspot ko but then, as i read the works i did which is copy paste, i really felt so stupid for doing that! it's yikes.. nakakahiya na parang wala akong originality.. and hopefully di na ako mag-copy paste someday. although i do admit kumukuha ako ng inspiration kay miss bianca kasi nga i often state here in my blog that she's an inspiration to me, an icon.. but i'll try my very best to be original.. :) pero sana yung mga gaya gaya eh maisip din nila how stupid really it is to copy someone else's styles and choices.. hmm


- sorry for being bitchy in this entry but i just felt that i badly have to share these things that annoys me and state my piece.. PEACE!! :)

what i admire most.. :)

ok, it's a breather from all the "kamalditahan" entry above.. :) just want to share some inspirations i faced just this day and beyond this day..
1 - sa tesda gaganda ang buhay mo!
i am a proud scholar of TESDA ( Technical Education and Skills Development Authority ) sobrang laki ng naitulong nito sa college education ko and until now i am happy to see that their advocacy to support technical education here in the country is still very much alive, and burning.. technical education is very helpful sa mga pilipinong gustong mag-abroad, o gustong mag-aral pero walang sapat na pera at kakayahang kumuha ng BS Courses. at least through tesda, maraming less fortunate ang nakakatuntong ng pag-aaral.. given the opportunity and perfect timing, i would be too willing to uphold the technical education here in the Philippines and the general education as well.. yeah, DEPED Representative, why not?! :)

2 - it's still deals with education of youngsters.. kanina, may nagpagawa sa amin na mga estudyanteng college. since hindi pa naka-layout yung pinapagawa nila, may dagdag na charge which is nakadagdag pa ng gastos.. my point here is that i always admire people, young people na may drive to learn and eventually to succeed in life, especially those na walang kakayahang mag-aral because of financial problems.. itong mga taong to ang dapat hangaan at gayahin. i may add this sentiment to what pisses me off pero wag na dito na lang.. :p naiinis din naman talaga ako dun sa mga walang kuwentang anak na pinapag-aral na nga, eh ewan at anong pumapasok na mga ulo nila at kung anu-anong nagagawa sa buhay! ok,

case a - na-inlove, nabuntis, sira ang pag-aaraL.

case b - masyadong na-excite maging independent, malayo sa mga magulang, gabi-gabi lumalabas, gimmick and everything.. hindi namalayan, 5 na ang grade na ibinigay ng mga prof pero fully paid na ang tuition fee.. tsk tsk

case c - masarap sa pakiramdam ang maging sikat not to mention having nice rides plus a beeeaaautiful girlfriend to parade with, kakapa-pogi points, nauubos ang pera at hihingi sa magulang na nagkakandahirap maghanap-buhay para mapadalhan lang ng pera ang anak para pambili ng hightech na cellphone dahil kelangan sa isang subject, at pambili pa ng laptop kasi requirements chuva! hayy.. these kids!!

case d - "nay, tay, ang boring ng klase kasi ang haaabaa ng lecture, tapos mas magaling naman ako sa prof ko kaya di-n-rop ko na yung subject.. take ko na lang yun sa summer.." yeah yeah! pathetic losers! at yung mga kawawang parents naniwala naman kasi para lalong ma-inspire yung mga anak nila sa pag-aaral, lahat ng support na kailangan nila dapat ibigay..

truly, the world is so unfair.. yung mga gustong gusto mag-aral, walang kakayahan na i-take yung courses na gusto nila.. yung merong lahat ng opportunity in the world na makapag-aral, mas gustong maging BUM.. pero alam niyo yung pinaka-nakakainis sa lahat nang to?! yung mga anak na patuloy na ginagapang ng magulang yung pag-aaral nila for them to have a better future at para maiba naman ang buhay but what are they doing?! maagang nagsipag-asawahan dahil katwiran nila, ganun din naman daw ang magiging future nila so why prolong the hardship, right? but hell, they're wrong! don't they want to make any difference in this world or in their lives?!

buti na lang i grew up with the right amount of full/much care and advises and shortage/less luxuries kasi i became the right mix of person din.. hindi ako nasanay sa luho pero mas nag-invest yung mga magulang ko sa more lasting treasure and that's education.. education is much, much important because as i've said here in my blog right after i graduated in college that school life is really cool and fun! it taught me lots of things at naging matalino ako sa napakaraming bagay dahil sa edukasyon na natanggap ko. of course nothing can beat experiences sa pagiging wise but through schooling ko na-experience ang napakarami ding bagay na nagpatalino at nagpatatag sa akin.. :) so cheesy but true!

i know my knowledge is still not enough para sabihing wise and matured na ako but i can be rest assured na i know that there is more to learn in this life and i'm more willing to explore it! someday, i hope i can return to school and take my dream course and hopefully again, land my dream job.. :) hanggang ngayon kasi di ko pa rin ma-target ang dream job ko kung ano ba yun kasi ang dami kong gustong gawin at maging!

3 - my mommy, she came here to us ( her kids na nasa city :p) para bumisita at magpasalamin na din.. that's one of my gifts to her.. :) well, as i've said i admire her being toughness all throughout my life, our lives.. sure, there are tough and rough times but still nothing can beat her spirit! that's the reason why all of us esp. me has decided na magpaka-tough na din to whatever trials or challenges i am facing. hindi naman sa bawal umiyak sa amin pero kasi as i grew up, nakikita ko na pag may problema, hindi umiiyak mommy ko.. instead, she's thinking of solutions agad to solve the problems.. i wanna be like that! i also admire her how she has raised us all 7 kids na maayos naman ang buhay at pag-iisip! :) one of the things i like about her also is because in every little thing na naa-achieve naming mga anak niya eh sobrang proud na siya agad to the point na kami na lang ang nahihiya kasi ipinagkakalat niya pa sa kapit-bahay! :) honestly, we really took comfort in our home kaya talagang gusto ng bawat isa na umuwi palagi sa bahay namin kasi we know na we are loved there and taken cared of.. kahit na madalas may failure kami, iba pa rin ang pagmamahal ng isang ina.. :)


4 - superbianca.blogspot.com , ok i know! i'm exaggerating na kasi every post ko ata siya na naman.. pero anong magagawa ko? sana lang mangyari sa lifetime ko na ma-meet at makilala ko talaga siya personally.. enough, almost everyone who knew me already knew that! :) waahh.. wala lang talaga, everytime na nadi-depress ako tapos binabasa ko yung blog niya, there is this inner peace na nangyayari agad sa akin.. alam mo yun, i don't know, maybe it's her intellectual traits, her creativity as a philo wannabe?! :) basta, ang astig astig niya talaga sa akin! to the point na yun nga, puwede na akong makasuhan ng "plagiarism" sa kakagaya ng mga expressions niya and the way she present her blog and her blog pati mga advocacies niya gusto ko ring gayahin.. tsk tsk! so chaka! :)
to you bianca monica, see you soon!! :)

what/who i love..

britney is so cool and cute!! yeah, welcome back to her ng bonggang bongga!! tagal na nito pero ganda talaga ng bago niyang album (as if may copy na ako. hehe) saulo ko na nga agad eh.. her comeback still brought me back to my grade school days wherein sobrang sikat niya talaga at an icon for all of us, me and my friends! grabe, every single at album niya na lumabas, inaabangan ko sa mtv.. at lahat ng concert niya sa CD, pinapanood namin kahit pirated pa yan! :) welcome back, brit-bit!
beyonce is sooo divalicious! grabe, astig niya talaga.. kumilos siya, kumanta, sumayaw, divang-diva talaga! i simply like her.. that's all. haha
rihanna. as always, rihannahoLic pa rin ako hanggang ngayon! i still can't get over that "disturbia" thing.. :) yeah, rock on!!
taylor. the country princess is, okay, a princess.. ganun pala yung country genre. sabagay kahit si carrie at faith hill gusto ko mga kanta nila. i really like taylor swift! nakaka-relate ako sa mga kanta niya, typical love songs ng teenager. galing niya!
kYLA! ok, another princess to go! i really like how she has grown up to be a beautiful and soulful rnb diva. :) napaka-soothing ng boses niya, nakaka-inspire pag naririnig ko mga kanta niya.
eraserheads. eheads fans, unitteee!! kung nasa manila lang siguro ako naku i will also be part of that another historical reunion concert.. sa march na!! i'm excited! you go, fab 4! :)
pep. thank you much pep! certified pepster. :)
magazines. my plenty of magazines.. thank you for the knowledge, kahit para sa iba walang kuwenta, sa akin it means a little lot. hehe! sheessh.

my little collections of happiness. :)


on a side note, sa araw-araw kong pagpasok dito sa opisina namin, bakit araw-araw din akong nakakarinig ng tunog ng ambulasiya o kung hindi man, tunog ng sasakyan ng bombero which signifies "tunog ng sunog for me".. it's crazy and it's weird! nakakatakot naman dito sa puerto..malapit na ba talagang magunaw ang mundo? :p

anyway to end this extremely, looong post.. here's a thought to keep with my favorite bianca and me on it. :)

No comments: