Thursday, November 26, 2009

THIS. IS. TOO. MUCH. :(

The statement in Filipino as read by Jessica Soho on 24 Oras on November 25, 2009:

Walang kahalintulad sa ating kasaysayan ang karahasan sa pulitikang naganap nitong araw ng lunes sa Shariff Aguak, Maguindanao. Ang mga biktima - mga babaeng Mangudadatu na magsusumite ng certificate of candidacy, mga abogadong magbibigay ng payo at mga taga-media na dapat ay magiging saksi at magbabalita.

Lahat sila'y may ginagampanang papel sa demokrasya, pero sa lugar na kailan lamang ay tinawag na Ampatuan, dahas ang kanilang dinanas, na wala nang paglulugaran sa panahong ito.

Ang kahindik-hindik na krimen ay mapait na halimbawa sa klase ng pulitika na mayroon tayo. Sa kabilang banda, nariyan ang mga mamamayan na lakas loob na naninindigan na maipatupad ang tahimik at matiwasay na pamamaraan upang makapili ng mga magiging pinuno ng bayan. Ang tunggaliang ito ng dahas at kapayapaan ay lutang na lutang kada panahon ng eleksyon. Ito ang mga kritikal na pagpipilian natin sa 2010 -- karahasan ba o' kapayapaan?

Iniutos na ng presidente ang agarang imbestigasyon at nagdeklara ng state of emergency sa mga probinsya ng Maguindanao at Sultan Kudarat, at sa Cotabato City. Anim na pulis ang sinibak sa posisyon.

Umaasa kaming umpisa pa lamang ito, ng mga aksyong magtatapos sa paghuli sa mga taong nagsagawa ng krimen, ordinaryong tao man o kinatatakutang warlord sa probinsiya.

Kung sila'y hindi pagbabayarin sa pagkakasalang ito, katumbas nito ang pagkasira ng kauna-unahang automated elections ng bansa.

Habang kami'y naghihintay ng hustisya, kami'y magluluksa. Magluluksa para sa mga naniniwala sa demokrasya subalit nabiktima ng karahasan. Magluluksa para sa mga taga-mediang namatay na naniwalang sapat na ang konstitusyon upang silang maprotektahan.

Sa kanilang paglalakbay ng walang armas sa mga lugar na walang kasiguruhan, nagtiwala ang mga biktima sa kapayapaan. Aming kinikilala ang kanilang sakripisyo, habang ang kanilang sinapit ay mapait na ala-ala para sa lahat. Ang kanilang sinapit ay maaaring naging kapalaran
din namin.



• • • • •
• • • • • • • • • • • • • • • • • • • •

It's too heartbreaking :'( I happened to watch the news yesterday about the massacre and it's just too much! I felt pity for them, I cried when I heard Mangudadatu's statement about his wife's death plus the other people included in the convoy, ALL INNOCENT.. It's too ouch! :(

God bless my country!


• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •

This is one of my favorite songs ... Fitting for these another trying times on our lives...

SANA - JOLINA MAGDANGAL
Sana ang buhay
ay walang dulo o hangganan
Sana'y wala nang
taong mahirap o mayaman
Sana'y wala ng away


REFRAIN:

Sana'y pag-ibig na lang
ang isipin
Nang bawat isa sa mundo

Sana'y pag-ibig na lang
ang isipin
Sana'y magkatotoo


Sana'y laging magbigayan

Sana'y laging magmahalan


Sana ang tao'y
'di nagugutom o nauuhaw
Sana'y hindi na
gumagabi o umaaraw
Sana'y walang tag-init
sana'y walang taglamig

REFRAIN:

Sana'y pag-ibig na lang
ang isipin
Nang bawat isa sa mundo
sana'y pag-ibig na lang ang isipin
Sana'y magkatotoo


Sana'y laging magbigayan

Sana'y laging magmahalan


REFRAIN:

Sana'y pag-ibig na lang
ang isipin
Nang bawat isa sa mundo
Sana'y pag-ibig na lang
ang isipin
Sana'y magkatotoo


Sana'y laging magbigayan

Sana'y laging magmahalan

Sana'y laging magbigayan

Sana'y laging magmahalan


Sana...


1 comment:

Rein said...

justice for them..o